Q Jars of Clay -Show You Love, Philippines 2005 Concert & Fans Club: daks diary

Thursday, March 03, 2005

daks diary

03.02.05
ginising ako ni grace ng alas otso ng umaga medyo masakit pa ang ulo dahil sa isa't kalahating oras na tulog, kumain, naligo, nagsipilyo, nagbihis at huminga ng malalim bagu lisanin ang aming tahanan, ito ang araw ko, Landmark at Rustans Makati ang destinasyun ko, umaasa na makikita ko ang aking paboritung banda at makausap at mapapirmahan ang lahat ng mga cds ko, pagkababa ko ng jeep sa Landmark ng pasado alas dyis dumeretsu agad ako sa Rustans nagaakala na dun ko sila makikita, nagpaikot ikot, nahilo at naligaw sa pasikot sikot sa loob ng Rustans, di ko sila nakita, naglakad ako papuntang Landmark galing Glorietta, nagtanung sa sales lady kung saan yung Filipiniana section, "sa taas..." sabi nya, nagmadaling umakyat sa eskaleytor at sa aking pagkagulat nakita ko si Dan Haseltine na naglalakad naka green na shirt at may sumusunod na naka itim na body guard, nakita ko din si Steve Mason pero nagdesisyun na una kong lapitan si Dan, kabado at nag iisip ng sasabihin... paglapit ko ang nasabi ko lang ay "ei Dan..." napatingin sya at ngumiti "ei...", "I'm Daks" sabi ko... "so you're Daks, finally..." sabi nya... natuwa ako dahil naalala nya ako... nagpasalamat agad ako sa binigay nyang DVD nung 2003 tapus inabut ko agad yung limang inlay ng cds ko at yung pentel pen... tapus ang daming nyang sinasabi pero tangu lang ako ng tangu at "ya" lang ng "ya"... tapus tinanung ko sa kanya "where are the others?" sabi nya "um... they're everywhere.." tapus tinanung ko rin kung bakit wala si Matthew Odmark sabi nya bumalik si Matt sa states dahil namatay yung Lolo yata ni Matt, basta family member, tapus nag thank you ako for signing my cds, tinanung nya ako kung pupunta daw ako mamaya sa concert... "ya" sabi ko... tapus nagpaalam na ako at hinanap yung ibang members... nakita ko si Steve busy sa pagshopping at paghahanap ng long sleeve... naka long sleeve retro style si Steve tapus sabi ko "ei Steve..." sabi nya "ei..." kinamusta ko at inaabut ko yung mga cds ko... habang pinipirmahan nya sabi nya.."ei... you got them all..." sa isip isip ko... "naman!" hardcore fan 'to e... hehe... tapus sinabi din nya yung tungkol kay Matt kung bakit sya wala... tapus nakita ko si Charlie... tumitingin ng damit pangbata... sabi nya bumibili daw sya para sa kids nya... The Incredibles na shirt yung pinipili nya... pinapirmahan ko rin sa kanya yung mga cds... tapus nakita ko si Aaron Sands yung sessionist nila na bass player pero di ko na napapirmahan... di ko nakita si Joe Porter yung sessionist nila na drummer... tapus tinext ko agad yung mga friends ko... "i'm in the clouds"... nung concert na... nakarating kami ng past seven sa araneta kasabay namin si Acel yung former vocalist ng moonstarr88 sa kotse at yung husband nya... nung nakapasuk na kami, nakaupo kami sa cguro P1k+ pero ang ticket lang namin P350... tapus maya maya may lumapit samin na girl na may hawak na flashlight at sinabing "pwedeng makita mga tickets nyo?" kinabahan agad ako dahil baka paakyatin kami sa dapat naming kalagyan... tapus nung nakita na nya ang sabi nya..."pwede kayung bumaba?" sa isip isip ko... "hello? ate? sinung ayaw?" so bumaba kami habang tumutugtug ang Barbie's Cradle... naghahanap kami ng magandang pwesto sa P2350, napunta kami sa bandang likod pero nung nagstart na ang jars cguro after the third song... tinawagan ako nung friend ko na producer sa cellphone at niyaya ako sa harapan may isa pa daw syang ticket na P2350... sinundo nya kami tsaka nya kami hinila sa harap... ayun dun kami napunta sa pinakaharap... thank You Lord!


Yek and GF singing?


Unforgetful mix.

tapus nung nandun na ako... todo na to... wala na akung tigil sa pagtalon, pagsigaw, pagsayaw, pagikot, pagtaas baba ng kamay hanggang malatin at pagpawisan ng todo... naman favorite band ko 'to no... tuwing bagu magsimula yung kanta naprepredict ko kaagad kung anu yung tutugtugin nila, yung Lonely People, I'm Alright, Worlds Apart, Disappear, God Will Lift Up Your Head, Tea And Sympathy, Fly... nakakatuwa! ang saya! eto yung pinakamasaya kong concert... walang tigil ang paglundag at pagsigaw... wala akung pakialam sa katabi ko basta ako nag-e-enjoy! panalo! nagstay kami sa labas ng medyo matagal at nagkape ng libre sa Nescafe... cguro nakatatlung baso ako tapus dumertsu kami sa Jade Palace sa Shaw Blvd. nakauwi ako ng mag aalas dos ng madaling araw...


after ten years...
nakausap ko yung tatlung members ng jars up-close, nakamayan napapirmahan ang lahat ng lima kong cds, nanalo ako ng ticket sa Jam88.3 na P350 na ticket pero dinala ako ni Lord sa P2350... ang galing ni Lord! san ka pa?!!
thank You Lord sa mga dikapanipaniwalang mga blessings...

takits!
daks

psst! ako yung naka-red na long sleeve shirt, naka-red na cap na nakabaliktad, naka-dark green na corduroy pants at may blue na mailman bag with black strap na ang likot likot sa harapan......

P.S. Dax is a drummer for Edge of Shadows an indie band, and is a member of VCF. He also is the owner of WhoWeAreInstead Egroup.

2 comments:

Anonymous said...

blessings! blessings! blessings!

takits sa eb... march18 friday 6pm coffee bean greenbelt3

takits!
daks

Anonymous said...

a... Jomar it's daks not dax... wrong spelling wrong... hehe... thanks for posting it here...

takits!
daks